♥GOD IS EVERYTHING♥LIFE IS A JOURNEY♥LOVE IS A MUST♥
THERE IS ALWAYS A REASON♥WE ALWAYS HAVE A CHOICE♥

I WANNA TEACH.
I WANNA WRITE.
I WANNA TRAVEL.

Thursday, July 1, 2010

♥TURON NA MAY MASARAP NA SAWSAWAN♥

Nakakapagod ang araw na ito.

Galing kami sa AIM Conference Center dahil meron kaming event kanina. after ng event pumunta pa kami ng office para matapos ang ibang trabaho.


Nagpahuli na ako kc may mga bagay pa ako na dapat ayuson.

TURON NA MAY MASARAP NA SAWSAWAN...

Natira un sa pag kain kanina sa event. Masarap sya at matamis.

Dinala namin yung TURON sa opisina. Pero hindi ito naubos.

Sabi ng Manager namen kapag hindi naubos iuwe ko nalng kesa masayang.

Umuwe na ako. naicp ko na yun TURON na may MASARAP na SAWSAWAN baka hindi lang makain sa bahay.

Kaya naisip ko na ibigay nalang yun sa mga kapus palad na masasalubong ko.

Habang naglalakad, makalampas ng Don Bosco church malayo palang nakita ko na ung 3 bata.

Parang ng aaway sila. Umiiyak ung isa. Tumawid ako, hinarang ko sya sabay sabing..

Bata sayo nalng to.

Nakita nun iba kaya bigla silang tumakbo at sinabing ate pahinge din....

Sabi ko hati hati nalang konti lang to eh.

Opo sagot ng isang bata.

Sabi naman ng isa, ay si ate kilala ko na yan lage yan nadaan dito.

Yung isa walang masabi, un ung pinaka bata. Nakatingin lang sya.

Sabi ko TURON yan eto ung MASARAP NA SAWSAWAN.

Sige aklis na ako.

Umalis na ako. Diko mapigilan lumingon ulit. Nakita ko yung isang bata nakatitig lang sakin.

Lumakad na ako palayo.

Biglang sigaw nung isang bata..


ATE INGAT KA HA..! (May ngiti sa kanyang labi..)

At ako. walang masabi. Diko alam nangilid ang luha sa aking mga mata..

ibang klase ung saya na naramdaman ko..:D


Kaya ko to ipinost dito hindi para ipagmalaki yung ginawa ko.

Pinost ko to para malaman nyo na dapat kahit sa simpleng mga bagay matuto tayong makuntento..:)


At syempre dapat maging matulungin. Walang pinag kaiba ang tulong na binibigay ng bawat tao.

kahit pa ang sayo ay 1 lang at ang sa iba ang 1,000,000.

Kung iyon ay gusto mu talaga ibigay, pareho lang ang halaga.

Sana madami pa ang mga taong katulad ng mga bata na iyon.

Masaya na sa simpleng bagay. Kahit konti ay pinaghahatian, at marunong magbigayan.

God Bless You!


1 comment: